Diskurso PH
Translate the website into your language:

Senado, Binasura ang Impeachment case kay VP Sara; Nakatutok Ngayon sa Desisyon ng Korte Suprema

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-08-11 20:39:33 Senado, Binasura ang Impeachment case kay VP Sara; Nakatutok Ngayon sa Desisyon ng Korte Suprema

Matapos ang ilang linggong tensyon sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, nagdesisyon ang Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Binanatan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Lunes ang mabilis na desisyon ng Senate na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, tinawag pa niya itong isang “remarkably rushed burial” ng kasong aktibo pa.

Sa botong 19–4–1, pinili ng Senate na isantabi ang complaint kahit na nakabinbin pa ito sa Supreme Court, at kahit pa nagsumite ang House of Representatives ng Motion for Reconsideration noong August 5 para kuwestiyunin ang naunang ruling ng Court na nag-void sa impeachment bid.

Binigyang-diin ni Romualdez na mismong Supreme Court ang umamin sa bigat ng mga argumento ng HRep nang atasan nito ang mga respondent, kabilang si VP Sara Duterte, na magsumite ng kanilang comments..

Background ng Kaso

Nagsimula ang impeachment complaint matapos akusahan si VP Duterte ng “culpable violation of the Constitution” at “betrayal of public trust” kaugnay ng paggamit umano ng pondo ng OVP at DepEd. Noong nakaraang buwan, inaprubahan ng Kamara ang complaint na may mahigit isang-katlong pirma mula sa mga miyembro, na ayon sa batas ay dapat awtomatikong iakyat sa Senado para sa trial.

Ngunit, bago pa man magsimula ang proceedings, naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni VP Duterte para kuwestyunin ang constitutionality ng impeachment complaint, sinasabing may mga procedural defects at kulang sa substantive grounds. Kasunod nito, naghain din ang Kamara ng hiwalay na petisyon para igiit na tungkulin ng Senado na magsagawa ng trial.

A Question of Constitutional Mandate

Ayon sa kritisismo ni Romualdez, may constitutional provision na nagbibigay sa House of Representatives ng exclusive power to initiate impeachment proceedings. Ayon sa 1987 Constitution, kapag mahigit one-third ng House members ang pumirma sa isang verified impeachment complaint, ito ay awtomatikong ipapadala sa Senate para sa trial, walang karagdagang plenary action o committee referral na kailangan.

Iginiit ni Speaker Romualdez na sinunod ng HRep ang prosesong ito “lawfully, transparently, and in good faith—not out of spite, but out of duty.”

“This was never about political maneuvering,” giit niya. “It was about accountability—pananagutan—anchored on verified facts and sworn documents.”

Automatic Transmission, Immediate Controversy

Ayon kay Romualdez, ang mahigit one-third ng House members na pumirma sa verified impeachment complaint laban kay Vice President Duterte, ang siyang nag-trigger sa automatic transmittal ng Articles of Impeachment sa Senate.

Gayunman, sa halip na magpatuloy sa trial, mabilis na kumilos ang Senate para i-archive ang complaint. Para kay Speaker Romualdez, malinaw itong paglihis sa constitutional intent.

“The filing of the complaint was not rushed,” ani ng Speaker. “What was rushed—remarkably—was its burial.”

The Accountability Debate

Ang complaint laban kay VP Sara ay nagmula sa mga alegasyong hindi detalyado sa pahayag ng Speaker ngunit, ayon sa kanya, ay suportado ng “verified facts and sworn documents.” Ikinasama ng loob ni Speaker Romualdez na sa halip na pagtuunan ang laman ng mga alegasyon, binansagan ng mga kritiko ang impeachment initiative bilang isang political ploy.

“We have been met with personal attacks, sweeping accusations, and a narrative that seeks to reduce a solemn constitutional duty into mere power play,” sabi niya. “That’s not just unfair—it is dangerous. It undermines public trust in the very tools of democratic checks and balances.”

Standing Ground for the Republic

Nilinaw ni Romualdez na ang isyu niya ay hindi laban sa Senate bilang institusyon, kundi sa paraan ng paghawak nito sa complaint. “We do not rise against the Senate. We rise for the Republic,” deklarasyon niya.

Binigyang-diin niya na ang pagkilos ng HRep ay hindi para sa political gain kundi para sa karapatan ng sambayanang Pilipino na humingi ng accountability mula sa lahat ng public officials, gaano man kataas ang posisyon.

“This moment will be remembered,” Ayon kay Speaker Romualdez. “That the HRep stood its ground. That we honored our constitutional duty. That we acted not for ourselves, but for the Filipino people.”

Ano’ng Susunod?

Matapos i-archive ng Senado ang impeachment complaint, lilipat na ang laban sa Korte Suprema. Naka-pending pa rin ang desisyon ng High Court sa Motion for Reconsideration ng HRep, at ang magiging ruling nito ang magtatakda kung mananatiling nakabinbin ang proseso o bubuksan muli para sa paglilitis.

Kapag pumabor ang Korte Suprema sa HRep, maaaring mapilitan ang Senado na muling buksan ang kaso at mag-convene bilang impeachment court. Maaaring patibayin din ng ruling na ito ang prinsipyo na kapag umabot na sa one-third ng suporta sa HRep, tungkulin na lang ng Senado na litisin ang kaso at hindi ito puwedeng basta ihinto.

Kung sakaling panigan ng Korte Suprema ang naging pasya ng Senado, maaari itong maging precedent na magbibigay kapangyarihan sa upper chamber na harangin ang impeachment bago pa ito umabot sa trial, isang pagbabagong maaaring mag-iba sa balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa mga legal expert at political analyst, hindi lang kapalaran ni VP Duterte ang nakataya rito kundi pati na rin ang malinaw na interpretasyon sa isang constitutional gray area na bihirang masubok sa kasaysayan ng Pilipinas.

Para kay Speaker Romualdez, malayo pa ang laban. “Tuloy ang laban,” aniya. “For the Constitution, For the rule of law. And for the enduring truth that no public office is ever beyond the reach of accountability.”