Noong Lunes, pinili na sa Senado ang mga vice chairpersons at miyembro ng Blue Ribbon Committee, opisyal na tinatawag na Committee on Accountability of Public Officers and Investigations. Pinamumunuan ito ni Senador Rodante Marcoleta at nakatakdang magsiyasat sa mga alegasyon ng korapsyon at iba pang maling gawain ng mga opisyal ng gobyerno.
Vice Chairpersons
-
Alan Peter Cayetano
-
Ronald “Bato” dela Rosa
-
Bong Go
-
Erwin Tulfo
Mga Miyembro
-
Bam Aquino
-
Win Gatchalian
-
Lito Lapid
-
Imee Marcos
-
Robin Padilla
-
Kiko Pangilinan
-
Raffy Tulfo
-
Risa Hontiveros
-
Ping Lacson
-
Loren Legarda
Mga Gawain ng Blue Ribbon Committee
-
Fact-Finding at Oversight – Mangalap ng ebidensya, magpatawag ng mga testigo, at humingi ng dokumento para matukoy ang katotohanan sa likod ng alegasyon ng korapsyon o abuso sa kapangyarihan.
-
Accountability Enforcement – Siguruhing mananagot ang mga opisyal na lumabag sa batas, etikal na pamantayan, o tiwala ng publiko.
-
Legislative Recommendations – Magpanukala ng mga batas o polisiya para maiwasan ang maling gawain at mapalakas ang transparency.
-
Public Interest Hearings – Magsagawa ng imbestigasyon para panatilihin ang kaalaman at tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno.
Proseso ng Pagpili ng Miyembro at Vice Chairpersons
-
Selection – Ang Senate President, kasama ang ibang lider ng Senado, ang nominado ng mga miyembro at vice chairpersons. Kailangan itong aprubahan sa plenary session sa pamamagitan ng boto.
-
Roles:
-
Chairperson – Namumuno sa mga pagdinig, nagtatakda ng agenda, at tinitiyak na sumusunod sa patakaran ng Senado.
-
Vice Chairpersons – Tumutulong sa chairperson at maaaring humalili sa chairperson kung siya ay naka-leave or hindi available.
-
Members – Aktibong nakikilahok sa pagtatanong, pagsusuri ng ebidensya, at paggawa ng ulat ng komite.
-
Itinuturing ang Blue Ribbon Committee bilang isa sa pinaka-makapangyarihang lupon ng Senado dahil sa lawak ng kapangyarihan nito na magsagawa ng imbestigasyon sa halos lahat ng aspeto ng pamahalaan at paggastos ng pondo ng bayan.
