Diskurso PH
Translate the website into your language:

RA 12232: 4-Year Term na ang Barangay at SK Officials

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-08-18 18:30:02 RA 12232: 4-Year Term na ang Barangay at SK Officials

Opisyal nang naisabatas ang Republic Act No. 12232, isang batas na nagse-set ng fixed term of office para sa mga barangay officials at miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK). Layunin nito na magkaroon ng mas malinaw at regular na election cycle at mas matatag na pamumuno sa barangay level.

Mga Mahahalagang Probisyon ng Batas

1. Apat na Taong Termino

  • Lahat ng barangay at SK officials ay manunungkulan ng 4 na taon.

  • Barangay officials puwedeng makapagserbisyo hanggang 3 consecutive terms sa parehong posisyon.

  • SK officials, isang term lang sa parehong posisyon.

  • Kung mag-resign ang isang opisyal, bibilang pa rin ito sa maximum term limit.

2. Regular na Eleksyon
Simula ngayon, naka-fix na ang schedule ng barangay at SK elections.

  • Susunod na eleksyon: unang Lunes ng Nobyembre 2026.

  • Pagkatapos nito, every 4 years na gaganapin.

3. Pag-upo sa Posisyon
Ang mga mananalong opisyal ay magsisimula ng panunungkulan tuwing December 1 kasunod ng eleksyon.

4. Hold-Over Rule
Mananatili sa pwesto ang mga incumbent officials hangga’t hindi pa nakaka-upo ang kanilang kapalit, maliban na lang kung sila ay napatalsik o nasuspinde dahil sa kaso.

5. Transitory Provision
Yung mga barangay officials na naka-tatlong sunod na termino na ay hindi na puwedeng tumakbo sa parehong posisyon sa eleksyon ng 2026.

6. Implementing Rules ng COMELEC
Inaatasan ang COMELEC na gumawa ng implementing rules and regulations para sa pagpapatupad ng batas na ito sa loob ng 90 days mula nang maging epektibo ang RA 12232.

Bakit Mahalaga Ito?

Matagal nang problema ang paulit-ulit na postponement ng barangay elections, kaya nagkakaroon ng mga opisyal na tumatagal nang lampas sa dapat nilang termino. Sa batas na ito, magkakaroon na ng regular at predictable na election cycle, na makakatulong para mas maging accountable ang mga opisyal sa kanilang nasasakupan.

Bukod dito, binibigyan din ng batas ng balanse ang continuity at leadership renewal. Limitado ang barangay officials hanggang tatlong terms lang, habang sa SK, isang term lang para masigurong laging sariwa at bago ang boses ng kabataan sa pamahalaang lokal.


Larawan mula sa Official Gazette Facebook Page