Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ang Isyu ng Failed Flood Control Projects at Mga Batas na Kaugnay Dito

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-08-30 21:49:59 Ang Isyu ng Failed Flood Control Projects at Mga Batas na Kaugnay Dito


Sa mga nakaraang taon, lumabas ang mga ulat tungkol sa “ghost” flood control projects at mga substandard na imprastraktura. May mga proyekto na funded at reported na “tapos na,” pero wala namang aktwal sa site. May contractors na paulit-ulit na nakakasali kahit may record ng anomalies, at may alegasyon ng kickbacks na nakikinabang ang ilang opisyal.


Mga Kaugnay na Batas



  1. Republic Act No. 3019 – Anti-Graft and Corrupt Practices Act
    • Pinaparatangan ang mga opisyal na gumawa ng kontrata o proyekto na disadvantageous sa gobyerno.
    • Sakop dito ang collusion sa bidding at pagkuha ng suhol kapalit ng project approvals.
  2. Republic Act No. 6713 – Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials
    • Laban sa conflict of interest at pagtanggap ng gifts/benefits.
    • Obligation din ang transparency sa project implementation.
  3. Republic Act No. 9184 – Government Procurement Reform Act
    • Pinakamahalagang batas dito: itinatakda ang bidding, transparency, at accountability sa mga proyekto.
    • Nilalabag kung may rigged bidding, “ghost projects,” o pagbigay ng kontrata sa hindi kwalipikadong contractor.
  4. Republic Act No. 4566 – Contractor’s License Law
    • Nagtatag sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).
    • Isyu ngayon: may contractors na na-blacklist pero nakakapag-bid pa rin, kaya may butas sa pagpapatupad ng batas.
  5. Commission on Audit (COA) Constitutional Mandate
    • Sa ilalim ng 1987 Constitution, tungkulin ng COA na mag-audit ng public funds.
    • Ang kanilang special audit ang nagbunyag ng ghost flood control projects at overpriced works.
  6. Revised Penal Code (Malversation of Public Funds)
    • Pwedeng ikaso kung may paglustay o maling paggamit ng pondo para sa flood projects