Isang inosenteng Pinoy nasawi; sa naganap na nakawan sa Chicago
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-13 12:43:40
CHICAGO — Isang inosenteng bystander ang nasawi matapos madisgrasya sa isang crash-and-grab na nagsimula sa pagnanakaw sa Louis Vuitton store sa Magnificent Mile, Michigan Avenue, umaga ng Huwebes.
Ayon sa report ang inosenteng bystander ay isang Filipino. Na patungo sana sa kanyang trabaho. Sakay ng puting Honda CR-V ay nabangga ng tumatakas na magnanakaw sa kalsada ng intersection.
Kinilala ang biktima na si Mark Carlo Arceta 40 taong gulang, mula sa Skokie, Illinois. At tubong taga Majayjay sa probinsya ng Laguna.
Dinala siya sa Northwestern Memorial Hospital kung saan siya namatay.
Ayon sa pulisya ng Chicago isang grupo ang nagbangga ng pickup truck sa Louis Vuitton store sa Michigan Avenue sa Walton Street bandang 5 a.m.
Ang motibo ng grupo ay pagnanakaw sa naturang sikat na tindahan, mabilis na kinuha ang paninda at agad tumakas gamit ang ibat ibang uri ng sasakyan naka abang di umanoy mga back up vehicle sa mga ito.
Isang Kia Stinger, ang bumangga sa isang Honda CR-V sa kanto ng Michigan Avenue at Ohio Street na minamaneho ni Carlo.
Limang tao sa Kia ang inaresto matapos ang aksidente, at narekober ang mga paninda mula sa loob ng sasakyan. Dinala sila sa Stroger Hospital ng Cook County at Northwestern Memorial Hospital na may mga serious injuries, ayon sa pulisya.
Namataan na may isa pang sasakyan ang tumatakas mula sa tindahan, isang Infiniti Q50, ang nawalan ng kontrol sa DuSable Lake Shore Drive. Apat na suspek ang tumalon dalawa sa kanila ang nahuli, habang ang dalawa pa ay nakatakas. Narekover ang ilang pang paninda sa loob ng sasakyan
Ang insidente ay bahagi na ng serye ng “smash-and-grab” burglaries na umuugat sa Gold Coast at Magnificent Mile, na nagdulot ng matinding pag-aalala sa mga lokal na opisyal ng Chicago.
Ayon kay Alderman Brian Hopkins, “These are not victimless crimes, these are dangerous crimes and the people who continue to perpetrate them need to be prosecuted and jailed for lengthy sentences.”
Ipinahayag din na isasailalim ang insidente sa multi-agency retail theft task force na kinabibilangan ng federal government, kasama na ang U.S. Justice Department.