Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pro at Anti-Immigrant protester sa London, nagkaroon ng tensiyon-pulisya pumasok para kontrolin ang sitwasyon

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-14 11:53:22 Pro at Anti-Immigrant protester sa London, nagkaroon ng tensiyon-pulisya pumasok para kontrolin ang sitwasyon

London, Setyembre 2025 — Isang malakihang protesta ang naganap sa central London noong Setyembre 13, 2025, na nauwi sa mga sagupaan sa pagitan ng mga anti-immigrant na nagmartsa at mga counter-protesters na sumalungat sa kanila. Tinawag itong “Unite the Kingdom” march, na ini­organisa ni Tommy Robinson, isang kilalang aktibistang far-right sa UK. 

Sa kabilang banda, may mga humarap ding protesta mula sa grupong Stand Up to Racism, na nagdala ng humigit-kumulang 5,000 katao bilang counter-demonstrators.

Ayon sa ulat ng Metropolitan Police ng London, humigit-kumulang 110,000 hanggang 150,000 mga tao ang lumahok sa martsa ng “Unite the Kingdom” — isang bilang na lampas pa sa inaasahan.

Habang naglalakad ang grupo mula sa Waterloo Bridge hanggang Whitehall, na­may mga lugar kung saan lumihis ang ilan sa karaniwang ruta at sinubukang pumasok sa mga “sterile areas” na itinakda ng pulis bilang buffer zone — nagdulot ito ng tensiyon at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga protesta at mga tagapagpatupad ng batas.

Ang Metropolitan Police ay nagpahayag na may mga insidente ng karahasan laban sa mga pulis, kabilang ang pananabog ng mga flares, pagbato ng bote, at pisikal na atake (kicks at punches.)

Mayroong 26 pulis na nasugatan, apat rito ay seryosong pinsala, at umabot sa 25 na arrests ang naitala.

Sa kabuuan, tinukoy ng pulisya ang karahasan bilang “unacceptable violence” at nagpatupad ng paghihiwalay ng mga grupo ng demonstrador at counter-demonstrator upang maiwasan ang direktang sagupaan.

larawan/google