Diskurso PH
Translate the website into your language:

Malaking pagguho ng kalsada sa harap ng Vajira Hospital; matinding trapiko sa Krung Thon bridge ,sinarado

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-24 10:36:57 Malaking pagguho ng kalsada sa harap ng Vajira Hospital; matinding trapiko sa Krung Thon bridge ,sinarado

Bangkok, Thailand – Nagdulot ng matinding abala sa trapiko at pangamba sa kaligtasan ang biglaang pagguho ng kalsada at pagputok ng tubo ng tubig sa harap mismo ng entrance ng Vajira Hospital nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 24, 2025, ganap na alas-7:13.

Ayon sa ulat ng Rama Radio Center, isang napakalaking butas na may sukat na 30 x 30 metro ang lapad at 50 metro ang lalim ang lumitaw sa lugar. Bunsod nito, agad na isinara ang trapiko papasok mula sa Krung Thon Bridge, na nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan sa paligid.

Iniulat din na patuloy pang lumalaki ang pagguho sa harap ng ospital at maging sa tapat ng Samsen Police Station. Dahil dito, agad na inilikas ng mga opisyal ang mga pasyente ng ospital at pinalikas ang mga kalapit na residente para sa kanilang kaligtasan.

Nasa lugar na rin ang mga tauhan ng Samsen Fire and Rescue Station upang magbigay ng tulong at magsagawa ng agarang seguridad sa paligid ng gumuhong kalsada.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente at tiyakin ang kaligtasan sa lugar. Pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang rutang ito hanggang sa maayos ang sitwasyon.

larawan/google