Diskurso PH
Translate the website into your language:

Australia, magpapatupad ng pagbabawal sa social media sa mga batang wala pang 16 – Roblox posibleng maapektuhan

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-25 09:57:53 Australia, magpapatupad ng pagbabawal sa social media  sa mga batang wala pang 16 – Roblox posibleng maapektuhan

Sydney, Australia — Inaprubahan ng pamahalaan ng Australia ang isang makasaysayang batas na magbabawal sa mga batang wala pang 16 taong gulang na gumamit ng ilang social media platforms simula Disyembre 2025. Layunin nitong tugunan ang lumalalang problema sa online grooming, cyberbullying, at negatibong epekto ng social media sa kalusugan ng kabataan.

Sakop ng panukala ang mga kilalang platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Snapchat at X (dating Twitter). Sa ilalim ng bagong batas, mahigpit na ipagbabawal ang pagpaparehistro ng account ng mga wala pang 16, at maaari itong magresulta sa mabibigat na multa hanggang AU$49.5 milyon para sa mga kumpanyang lalabag.

Isa sa mga malaking katanungan ngayon ay kung sakop ng regulasyon ang Roblox, isang tanyag na online gaming platform na may social features gaya ng chat at community interaction.

Ayon sa eSafety Commissioner ng Australia, pinasagot na ang Roblox at iba pang platforms upang tukuyin kung sila ay pasok sa kategoryang “social media.”

Giit naman ng Roblox, hindi sila itinuturing na social media platform kundi isang “gaming at creation space,” kaya’t maaaring hindi sila direktang saklaw ng pagbabawal.

Kahit hindi pa malinaw ang magiging interpretasyon ng batas, inanunsyo ng Roblox ang ilang bagong safety measures sa Australia:

Private by default ang mga account ng users na wala pang 16.
Limitadong komunikasyon sa pagitan ng matatanda at kabataang users maliban na lang kung may pahintulot ng magulang.
Pag-off ng direct chat at experience chat hangga’t hindi verified ang edad.
Pagbabawal ng voice chat sa pagitan ng adults at users na edad 13–15 sa ilang settings.

Mainit ang diskusyon sa mga magulang at eksperto. Para sa ilan, mahalagang hakbang ito upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga panganib online. 

Habang papalapit ang petsa ng implementasyon, inaasahang lalabas pa ang mas malinaw na gabay kung saklaw nga ba ng batas ang Roblox at iba pang online games na may social feature,

larawan/google