Diskurso PH
Translate the website into your language:

Niana Guerrero, sumali sa Coachella performance ni D4vd

Mary Jane BarreraIpinost noong 2025-04-19 20:02:18 Niana Guerrero, sumali sa Coachella performance ni D4vd

Abril 19, 2025 — Opisyal nang nkapag-debut ang Filipina dancer at content creator na si Niana Guerrero sa Coachella noong ikalawang linggo ng iconic na music festival.

Sa Gobi Stage, lumabas si Niana bilang special guest sa set ni D4vd, kung saan ipinamalas niya ang kanyang signature moves habang kasabay ng American singer na inaawit ang hit track na “Feel It.”

Suot ang edgy denim-on-denim streetwear, nagbigay si Niana ng powerful performance bago niya yakapin nang mainit si D4vd at tuluyang lumabas sa spotlight.

Kasama sa Coachella 2025 lineup ang iba pang bigating artists tulad nina Beabadoobee, Post Malone, Megan Thee Stallion, Zedd, Jennie, XG, Lady Gaga, Green Day, Charli XCX, Lisa, ENHYPEN, Missy Elliott, at marami pang iba mula sa iba’t ibang genre.

Samantala, isang linggo bago ang kanyang festival debut, dumalo rin si Niana sa concert ni BTS member J-Hope sa Manila, kung saan nagkaroon sila ng chance na mag-picture at mag-TikTok video nang magkasama.

Larawan: Niana Guerrero/Facebook