Diskurso PH
Translate the website into your language:

Si Daniel Padilla at Kaila Estrada na nga ba?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-17 00:49:43 Si Daniel Padilla at Kaila Estrada na nga ba?

MANILA — Nagbahagi ng panibagong pasabog si showbiz columnist at talent manager Ogie Diaz kaugnay sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla. Ayon sa isang source ni Ogie, may bago umanong karelasyon ang aktor—at ito raw ay kapwa artista rin.

Sa kanyang programa, ibinahagi ni Ogie na matagal na niyang naririnig ang spekulasyon tungkol sa pagiging malapit nina Daniel at ng kanyang Incognito co-star na si Kaila Estrada. “E may nagsabi lang naman sa akin,” paglilinaw ni Ogie. Dagdag pa niya, “Depende sa kanila kung aaminin nila or idi-deny nila.”

Nang tanungin ni Mama Loi kung artista rin ba ang tinutukoy, agad na sumagot si Ogie ng, “Yes. Daniel Padilla and Kaila Estrada.”

Sa ngayon, ilang larawan ng dalawa ang kumakalat sa social media kung saan tila kapansin-pansin ang kanilang pagiging madalas na magkasama. “Ilan ‘yan sa patotoo na sila ay nagkakamabutihan,” ayon pa kay Ogie.

Gayunpaman, nilinaw din ng kolumnista na walang masama kung totoo man ang balitang ito, dahil pareho naman silang single. “Saka Diyos ko naman, wala naman silang sinagasaan o tinapakan. Pareho naman silang single,” aniya.

Sa huli, binigyang-diin ni Ogie na tanging sina Daniel at Kaila pa rin ang makakapagpatunay o makakapagpabulaan sa usaping ito. Hanggang hindi pa sila nagsasalita, mananatiling usap-usapan lamang ang tungkol sa kanilang umano’y relasyon.

Samantala, mainit na tinututukan ng mga fans at netizens ang mga galaw ng dalawa, lalo na’t patuloy na nagiging trending ang kanilang mga larawan at sightings online. (Larawan: Screengrab from Ogie Diaz Showbiz Update / Youtube: Daniel Padilla, Kaila Estrada / Fb)