GMA Pictures at Mentorque Inc. Magsasama para sa horror film na 'Huwag Kang Titingin'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-08-30 16:13:40
Quezon City - Pormal na nagsanib-puwersa ang GMA Pictures at Mentorque Inc. para sa kanilang unang proyekto, ang bagong horror-thriller na Huwag Kang Titingin. Naganap ang contract signing noong Agosto 29, 2025, na dinaluhan ng mga opisyal ng dalawang kumpanya.
Dumalo sa naturang okasyon sina GMA Films CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdellon, at Mentorque Inc. CEO John Bryan Diamante. Kilala ang Mentorque Inc. sa paggawa ng mga pelikulang Mallari (2023) at Uninvited (2024).
Bilang tanda ng kanilang bagong partnership, nagbigay ang Mentorque ng isang statue prop mula sa pelikulang Mallari sa GMA Pictures.
Kasama sa cast ng Huwag Kang Titingin ang ilang Kapuso stars at young actors tulad nina:
Sofia Pablo
Allen Ansay
Michael Sager
Marco Masa
Sean Lucas
Josh Ford
Anthony Constantino
Sherilyn Reyes
Ang pelikulang Huwag Kang Titingin ay ipalalabas sa mga sinehan sa mga darating na buwan. Ito ang unang pagtutulungan ng GMA Pictures at Mentorque Inc., na inaasahang magdadala ng panibagong kilabot at kapanabikan sa mga manonood.