Diskurso PH
Translate the website into your language:

Sarah Discaya dadalaw sa Bubble Gang?

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-09 08:55:28 Sarah Discaya dadalaw sa Bubble Gang?

MANILA — May bagong pakulo ang Bubble Gang, at mukhang may “special guest” silang hindi inaasahan: si Sarah Discaya—o baka naman si Bitoy lang ‘yan?

Naglabas ng teaser ang Bubble Gang kung saan makikitang may isang babaeng nakatalikod, papasok sa studio, suot ang puting blazer at may girlish haircut—eksaktong hitsura na ikinabit ng netizens kay kontrobersyal na contractor Sarah Discaya. Agad itong naging usap-usapan online, lalo na’t kamakailan lang ay naging viral ang mga larawan ni Discaya at ni Michael V. (Bitoy), na tila magkamukha sa ilang anggulo.

Nag-ugat ang kasikatan ni Discaya sa social media matapos siyang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control corruption scandal. Pero sa halip na takot, ang mga Pinoy ay sumagot ng memes, parodies, at British accent jokes—dahil sa viral clip ni Discaya na tila may “London twang”.

Ayon sa teaser caption ni Paolo Contis: “Hearing ongoing” — mukhang may “Senate session” na magaganap sa comedy show.

Kung parody man ito o tunay na guesting, isa lang ang sigurado: ang Bubble Gang ay muling pinatunayan na sila ang hari ng timely satire. At kung si Discaya nga ang dadalo? Aba, ‘yun ang tunay na “Bubble moment”!