Social media personality na si Jam Magno, ipinagtanggol si dating House Speaker Romualdez
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-22 23:19:19
MANILA — Social media personality Jam Magno ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang matapang na pahayag kaugnay ng liderato ng kasalukuyang House Speaker. Sa isang post sa social media, iginiit ni Magno na hindi dapat maliitin ang pamumuno ng Speaker, na aniya ay hindi kailanman “duwag” o nagkunwaring may sakit para umiwas sa pananagutan.
“No matter what you say about the Speaker. He’s not a coward, he did not flee or play sick or use dramatics to avoid accountability. Kana maoy sakto nga lider. Di daghan yamar pero daghan nabuhat,” ani Magno.
Dagdag pa niya, ang sukatan ng tunay na liderato ay hindi nakasalalay sa dami ng salitang binibitawan kundi sa kongkretong resulta na naihahatid sa taumbayan. Para kay Magno, mahalaga ang katangiang “kaunti ang ingay, ngunit marami ang nagagawa” upang maituring na matatag at epektibo ang pamumuno.
Samantala, umani ng halo-halong reaksyon mula sa netizens ang naturang post. May ilan na sumang-ayon sa pananaw ni Magno at pinuri ang kanyang pagiging prangka, habang ang iba naman ay nagduda at sinabing dapat suriin ang mga aktwal na proyekto at track record ng Speaker bago purihin ang kanyang pamumuno. (Larawan: Jam Magno / Fb)