Diskurso PH
Translate the website into your language:

Viral Ngayon: Chie Filomeno at Jake Cuenca, hiwalay na?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-23 01:02:11 Viral Ngayon: Chie Filomeno at Jake Cuenca, hiwalay na?

MANILA — Umiikot ngayon sa social media ang balitang naghiwalay na umano sina Chie Filomeno at Jake Cuenca, at mas lalong umingay ang isyu matapos kumalat ang spekulasyon na pinagpalit daw si Jake sa isang Cebu-based multi-millionaire businessman.

Ayon sa ilang ulat, ang naturang negosyante ay kinilalang si Matthew Lhuillier, na umano’y pinsan ni Daniel Lhuillier Miranda, ang asawa ng aktres na si Sofia Andres.

Gayunman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Chie at Jake hinggil sa estado ng kanilang relasyon, gayundin sa pagkakadawit ni Lhuillier sa isyu. Sa ngayon, nananatiling usap-usapan lamang ito at bahagi ng mga kumakalat na tsismis online.

Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon—may ilan na nadismaya para kay Jake, habang ang iba nama’y nagdududa sa katotohanan ng balita at hinihintay ang pahayag ng dalawa.

Hanggang sa ngayon, tikom pa ang bibig ng parehong kampo, kaya’t nananatiling palaisipan kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa relasyon ng dalawa. (Larawan: Showbiz Philippines DAILY News / Fb)