Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ellen Adarna, nilinaw kung bakit hindi niya pinakasalan si John Lloyd Cruz 'Paano ko naman papakasalan, di naman nag propose'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-29 17:58:23 Ellen Adarna, nilinaw kung bakit hindi niya pinakasalan si John Lloyd Cruz 'Paano ko naman papakasalan, di naman nag propose'

Setyembre 29, 2025 – Nilinaw ng aktres na si Ellen Adarna ang tunay na dahilan kung bakit hindi nauwi sa kasalan ang naging relasyon nila ng aktor na si John Lloyd Cruz, matapos pumutok ang mga blind item sa social media na nagsasabing tumanggi umano siyang magpakasal dahil wala siyang mapapakinabangang ari-arian mula rito.


Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, diretsahang itinanggi ni Adarna ang mga espekulasyon at sinabing walang katotohanan ang naturang paratang. Ayon sa aktres, napakasimple ng dahilan kung bakit hindi sila nagpakasal—hindi raw siya inalok ng kasal ni Cruz.


“Paano ko naman pakasalan, e, hindi naman nag-propose,” ani Adarna.


Kasabay nito, pinabulaanan din niya ang mga pahayag na “ismolin” o walang sapat na yaman si Cruz, gayundin ang mga haka-haka na ang kanyang kasalukuyang asawa na si Derek Ramsay ay isang bilyonaryo.


Nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng blind item ang kontrobersyal na online personality na si Xian Gaza, na nagdudugtong sa desisyon ni Adarna sa umano’y materyal na dahilan.


Samantala, tumugon din si Ramsay at mariing itinanggi ang mga kumakalat na tsismis. Ayon sa aktor, walang katotohanan ang mga alegasyon at pinili niyang huwag na itong palakihin. “There’s no truth to it,” aniya.


Matatandaang nagsimula ang relasyon nina Adarna at Cruz noong 2017 at nagkaroon sila ng anak na lalaki, si Elias. Bagama’t hindi nauwi sa kasalan, nananatili silang maayos bilang magulang at patuloy na nagtutulungan sa pagpapalaki ng kanilang anak.


Noong 2021, ikinasal si Adarna kay Ramsay at simula noon ay madalas na sinusubaybayan ng publiko ang kanilang buhay mag-asawa.