Diskurso PH
Translate the website into your language:

Spoiler Alert! Maraming nakatulog ng mahimbing at nasa mood sa pagtatapos ng ‘Bon Appétit, Your Majesty’

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-29 14:37:11 Spoiler Alert! Maraming nakatulog ng mahimbing at nasa mood sa pagtatapos ng ‘Bon Appétit, Your Majesty’

Setyembre 29, 2025 – Maraming K-drama fans ang masayang nakatulog kagabi matapos ang emosyonal pero aliw na finale ng hit Korean series na Bon Appétit, Your Majesty, na nagtapos nitong Linggo, Setyembre 28, 2025, sa pinakamataas na ratings nito.


Ayon sa Nielsen Korea, naitala ng serye ang all-time high viewership sa huling episode, na naging pinakapinanood na programa sa bansa. Sa Pilipinas, umabot din ito sa trending list ng Netflix at naghatid ng good vibes sa mga manonood na halos sabay-sabay nagpost ng kanilang reaksyon online.


Sa finale, nagkaroon ng matinding komprontasyon sa palasyo, ngunit mas tumatak sa manonood ang huling eksena kung saan muling nagpakita si Haring Lee Yi-Heon sa modernong panahon. Imbes na espada o korona, dala niya ang isang mangkok ng bibimbap para kay Ji-yeong, na nagsilbing simbolo ng pagmamahal at alaala.


Kaya naman, imbes na mabigat ang pakiramdam, marami ang nagkuwento sa social media na nakatulog sila nang mahimbing at gumising nang nasa good mood. Isang fan ang nagbiro sa X: “Salamat, Your Majesty! Ang sarap ng tulog ko kagabi, parang may hari ring naghanda ng midnight snack para sa akin.”


Bukod sa time-travel at kilig, naging malaking aliw din ang food scenes ng serye. Mula Gochujang butter bibimbap hanggang Doenjang pasta, hindi lang ito naging props kundi naging tulay ng emosyon sa pagitan ng mga karakter. Para sa ilang fans, ang food factor na ito ang dahilan kung bakit “nakaka-relax” at “comforting” ang drama hanggang dulo.


Matapos ang airing, nag-post ng behind-the-scenes photos sina Lee Chae-min at Im Yoon-ah bilang pasasalamat sa suporta ng fans sa loob at labas ng Korea. Nakatakda ring bumisita sa Manila si Lee Chae-min para sa fan meeting, dagdag aliw para sa lokal na supporters.


Kung maraming K-drama endings ang naiwan ang viewers na bitin o umiiyak, kakaiba ang dulot ng Bon Appétit, Your Majesty. Naghatid ito ng tamang timpla ng kilig, kirot, at kasiyahan—kaya naman marami ang nakatulog nang mahimbing, at gumising kinabukasan na parang busog ang puso.