Angel Aquino napa-'Inom na lang tayong tubig' sa rebelasyong usapan ni Direk Ronald Carballo tungkol sa mga producer umano’y sangkot sa flood control scam
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-22 22:02:00
Oktubre 22, 2025 – Nag-trending ang panayam ni Direk Ronald Carballo kay Angel Aquino sa YouTube matapos maging mainit na usapan ang rebelasyon ng direktor tungkol sa ilang film producers na umano’y konektado sa kontrobersyal na “flood control scam.”
Sa video na ibinahagi sa YouTube channel ni Direk Ronald, masaya at kwelang nag-uusap ang dalawa tungkol sa pelikula at showbiz. Ngunit biglang naging seryoso ang usapan nang ihayag ng direktor na may mga taong sangkot umano sa nasabing scam na ginagamit daw ang pera para mag-produce ng pelikula.
Ayon kay Direk Ronald Carballo,
“Itong mga pinag-uusapang mga involved ngayon sa mga flood control scam, nagpo-produce sila ng films out of that money. Ngayon ko nare-realize kasi kilala ko sila eh, ahh kaya pala nakakapag-produce ng mga pelikula at kung ano-ano, tapos dumadayo pa ng Cannes tapos ganun pala.”
Sa narinig na pahayag, mabilis na nagbiro si Angel Aquino upang mapagaan ang atmosphere ng usapan,
“Inom na lang tayong tubig,” sabay tawa.
Maraming netizens ang natawa sa witty reaction ni Angel pero hindi rin naiwasang mapaisip sa bigat ng sinabi ni Direk Carballo. Sa comments section, may mga nagsabing “grabe ang pasabog ni Direk” habang ang iba naman ay humanga kay Angel sa pagiging kalmado at classy kahit mainit ang topic.
Ang naturang panayam ay mapapanood sa Ronald Carballo YouTube channel, at patuloy itong pinag-uusapan ng showbiz fans.
Kung totoo nga ang mga pahayag na ito, tila mas matindi pa sa pelikula ang mga nangyayari sa likod ng kamera. Pero sabi nga ni Angel — “inom na lang tayong tubig.”
Screenshot mula sa Youtube