Vitaly Zdorovetskiy, nananatiling nakakulong sa Pilipinas matapos tumangging tanggapin ng US at Russia
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-22 23:17:28
Oktubre 22, 2025 – Matapos ang higit kalahating taon mula nang arestuhin sa Pilipinas, tila tuluyan nang nagbago ang takbo ng buhay ng Russian YouTuber na si Vitaly Zdorovetskiy — ang dating prankster na kilalang-kilala sa kanyang wild at kontrobersyal na videos.
Naaresto si Vitaly noong April 3, 2025, matapos mag-livestream ng prank na nauwi sa harassment, minor theft, at public disturbance. Dahil dito, idineklara siya ng mga awtoridad bilang isang “undesirable alien.”
Bagama’t nakapagpiyansa siya, hindi pa rin siya nakakalaya. Ayon sa ulat, tumanggi ang parehong United States at Russia na tanggapin siya, kaya naka-hold pa rin ang kanyang deportation case.
Giit pa ng isang immigration commissioner: “Walang special treatment.”
Noong Hunyo, lumabas ang mga larawan mula sa isang jail event na tinawag na “Fatherhood Anchored in Christ” — dito raw bininyagan si Vitaly, na ayon sa kanyang abogado, natagpuan na raw ang pananampalataya habang nakakulong.
Ngayon, sa mga bagong litrato, halos hindi na raw siya makilala — payat, tahimik, at tila ibang-iba na sa dating prankster na sanay sa spotlight.
At marahil, ito nga ang masakit na aral sa likod ng lahat ng ito:
Kapag huli na ang lahat, saka lang darating ang pagsisisi.
Fame fades, apologies can’t rewind, and no number of views can buy back respect.
Minsan, hindi lang kulungan ang tinatawag na rock bottom — kundi ang salamin na magpapakita sa’yo kung sino ka na talaga.