Diskurso PH
Translate the website into your language:

Josh Mojica ipinagmalaki ang sariling tagumpay: 'May karapatan akong magyabang!'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-22 23:00:48 Josh Mojica ipinagmalaki ang sariling tagumpay: 'May karapatan akong magyabang!'

Oktubre 22, 2025 – Hindi nagpahuli sa matapang na pahayag ang content creator at entrepreneur na si Josh Mojica matapos niyang sabihing may karapatan siyang magyabang dahil lahat ng kanyang tagumpay ay bunga ng sariling pagsisikap — at hindi dahil sa koneksyon o “nepo privileges.”

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Josh ang video clip ng kanyang panayam kay Julius Babao, kung saan proud niyang ipinakita na bukas siyang humarap sa media dahil wala siyang tinatago.

 “Lahat ng mga nepo babies at korap diyan nagtago, umiwas, kasi galing sa tao ‘yong kanila at hindi nila pinaghirapan,” ayon kay Mojica.

“Ako, nagpa-interview pa. Bakit? May karapatan akong magyabang. Kasi pinaghirapan ko ‘to!” dagdag pa niya.

Si Mojica ay unang nakilala bilang isang young entrepreneur na gumawa ng sariling pangalan online dahil sa kanyang viral negosyo at content creation journey.

Netizens, syempre, hati ang reaksyon—may mga bumilib sa kanyang confidence, pero may ilan ding nagsabing “humble flex” daw ito.

Ano sa tingin mo, mga ka-showbiz? Deserve bang magyabang si Josh Mojica kung pinaghirapan naman talaga niya ang lahat?