Diskurso PH
Translate the website into your language:

Leonardo DiCaprio, TIME Magazine Entertainer of the Year 2025!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-10 23:00:16 Leonardo DiCaprio, TIME Magazine Entertainer of the Year 2025!

Disyembre 10, 2025 – Kumakawala na naman sa listahan ng Hollywood greats si Leonardo DiCaprio matapos siyang pangalanan ng TIME Magazine bilang Entertainer of the Year 2025 — patunay na kahit ilang dekada na sa industriya, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paghahari sa big screen.

Pinarangalan si DiCaprio dahil sa kaniyang intense at kakaibang performance sa pelikulang “One Battle After Another,” ang black comedy film ni Paul Thomas Anderson na kasalukuyang umaani ng papuri mula sa kritiko at manonood.

Dito, ginagampanan ni Leo ang isang dating rebolusyonaryong nabubuhay sa paranoia kasama ang kanyang anak, hanggang sa biglang magbalik ang isang kaaway na matagal nang nawala—16 na taon! Ayon sa aktor, isa ito sa mga pinaka-“original” at pinaka-challenging na proyektong ginawa niya.

“I’ve been thinking a lot about how often there have been truly original story ideas like this… no vampires, no ghosts, no anything,” sabi niya sa panayam ng TIME, habang inilarawan kung bakit malalim ang attachment niya sa pelikula.

Inamin din ni DiCaprio na naging isang delikadong move para sa studio ang pag-produce ng ganitong klase ng kuwento, pero malakas ang tiwala nila sa signature storytelling ni Anderson—matapang, kakaiba, at walang takot mag-experiment.

Hindi rin nakapagtataka na nanguna ang pelikula sa Golden Globe nominations nitong taon, na may kabuuang 9 na nominations, dahilan para mas lalong umingay ang pangalan ni DiCaprio sa awards season.

Bukod kay Leo, kinilala rin ng TIME si A’ja Wilson bilang Athlete of the Year, at ang animated film na “KPop Demon Hunters” bilang Breakthrough of the Year. Samantala, hinihintay pa ng mundo kung sino ang itatanghal bilang 2025 Person of the Year.

Sa dami ng achievements ni Leonardo DiCaprio — mula sa iconic roles hanggang sa mga matitinding performances — hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang bagong bida ng TIME. At mukhang marami pa siyang “battles” na ipapanalo sa Hollywood!

Larawan: Time Magazine