Diskurso PH
Translate the website into your language:

Zia Quizon, ibinunyag kung bakit talaga siya nag-lay low sa showbiz

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-10 23:10:27 Zia Quizon, ibinunyag kung bakit talaga siya nag-lay low sa showbiz

Disyembre 10, 2025 – Inamin ni Zia Quizon na hindi lang simpleng pahinga ang dahilan ng bigla niyang pagkawala matapos ang second album niya noong 2013 — kundi isang serye ng malalaking pagbabago sa buhay niya.

Sa interview niya kay Boy Abunda, nag-open up ang singer tungkol sa mga pinagdaanan niya matapos pumanaw ang kanyang ama, ang Comedy King na si Dolphy.

“Pagkamatay ni Daddy… 21 lang ako nun. Kailangan kong mag-settle, bumuo ng sarili kong space,” kuwento niya. Aminado si Zia na hinayaan niya ring magkaroon ng sariling buhay ang mommy niyang si Zsa Zsa Padilla kasama si Conrad Onglao. Ayaw daw niyang maging istorbo sa bagong chapter ng mga ito.

At dahil officially adulting na, hands-on niyang hinarap ang pagiging independent.

“Kailangan kong mag-grow up, magbayad ng bills, at matutong tumayo mag-isa,” sabi niya. Mas madali na raw ngayon dahil may partner na siyang kaagapay.

Isa pa sa malaking dahilan ng kanyang break ay ang pag-aaral sa estate na naiwan ng kanyang ama.

“May kailangan akong i-manage na estate sa side ni Dad. Gusto kong matuto kung paano ayusin lahat ng ’yon,” ani Zia.

Nagkuwento rin siya tungkol sa intimate wedding niya sa Serbia — na intentionally ginawa nilang super private.

“Very private ang culture nila doon. Gusto kong respetuhin ’yon,” paliwanag niya. Present sa kasal sina Zsa Zsa at Conrad Onglao, pero small gathering lang talaga ang ceremony.

Ngayon, mas handa na si Zia bumalik sa eksena. Last November, pumirma siya sa Star Music at nirelease ang bagong single na “Reto Na Naman.”

Mukhang mas mature, grounded, at inspired na Zia Quizon ang makikita natin ngayon — at sure kaming maraming fans ang sabik siyang mapakinggan ulit.

Larawan mula sa Fast Talk with Boy Abunda