Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kim Chiu at Paulo Avelino, nagsama na ba sa isang condo?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-14 21:54:22 Kim Chiu at Paulo Avelino, nagsama na ba sa isang condo?

December 14, 2025 – Usap-usapan sa showbiz world ang latest chika tungkol kina Kim Chiu at Paulo Avelino. Kumakalat sa social media at sa mga “inside sources” na tila nagsama na ang dalawa sa isang condo, at posibleng nagsimula na ang kanilang live-in setup. Naturally, marami ang nagtatanong: totoo ba ito o panibagong fan rumor lang?

Sa latest episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz, nausisa siya ng kanyang kasamahan na si Oliver Carnay tungkol sa kumakalat na balita.

“May nakapagbalita lang naman sa akin. Gusto ko na ngang itanong dito ng diretso kay Kim Chiu. Totoo bang nagli-live in na kayo ni Paulo?” tanong ni Oliver sa show, na tila nagbigay ng maliit na pasabog sa kapwa host.

Tila nagulat si Ogie sa tanong, ngunit nagbigay agad ng matino at positibong pananaw:

“Wala tayong masasabi diyan. Kasi, unang-una, hindi pa rin naman umaamin sina Paulo at Kim Chiu kung sila na. Tapos may ganyan kang balita,” ani Ogie.

Dagdag pa niya, “Wala namang masama kung totoo mang nagli-live in na sila. Saka kung sakali man na totoo, mayro’n ba silang sinagasaan? Pareho naman silang single, ‘di ba? At marami naman sa fans nila ang gustong-gusto sila.”

Hindi rin nagpahuli si Mama Loi, isa sa mga kilalang showbiz insiders, na nagbiro at nagbigay ng pananaw na baka masaya pa ang mga fans kung totoo ang balita:

“Baka nga matuwa pa sila kung totoo ‘yang nagli-live in na ‘yong dalawa,” ani Mama Loi.

Sa ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag mula sa kampo nina Kim Chiu at Paulo Avelino tungkol sa kumakalat na chika. Maraming fans ang abangan ang kanilang opisyal na reaksyon, lalo na’t parehong kilalang private tungkol sa kanilang love life ang dalawa.

Habang wala pang kumpirmasyon, hindi maikakaila na patok na patok sa fans at social media ang chika na ito. Sa bawat update tungkol kina Kim at Paulo, siguradong maraming netizens ang nagkakagulo sa excitement at speculation