Diskurso PH
Translate the website into your language:

LRT-2, MRT-3 may libreng sakay para sa mga beterano sa April 5-11

Rose Anne Grace Dela CruzIpinost noong 2025-04-05 18:28:13 LRT-2, MRT-3 may libreng sakay para sa mga beterano sa April 5-11

ABRIL 5, 2025-- May handog na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2(LRT-2) at Metro Rail Transit (MRT-3) sa mga beterano at isang kasama nila mula Abril 5 hanggang 11 para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans’ Week.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kailangan lamang ipakita ng mga beterano ang valid identification card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Ginawa ng pamunuan ng MRT-3 at LRT-2 ang parehong ini­syatiba para sa mga beterano noong nakaraang taon.

“MRT-3 recognizes the noble sacrifices and contributions of the veterans to the country during the Second World War,” MRT-3 General Manager Michael Capati said in the statement.

Hinikayat naman ni Department of National Defense Assistant Secretary for Defense Communications Arsenio Andolong ang mga Pilipino na bigyang pugay ang mga World War II veterans sa mga panahong ito dahil sa kanilang katapangan at sakripisyo na nagbigay daan sa Kalayaan ng bansa ngayon.

“Our veterans’ courage and sacrifice laid the foundation for the freedoms we enjoy today. It is our duty to honor them, not just through ceremonies but through our actions. The DND encourages every Filipino to take part in these commemorative events, learn from our history, and carry forward the spirit of patriotism and service,” sabi ni Andolong.

Ang selebrasyon ngayong taon na may temang, “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas”, ay pangungunahan ng DND, PVAO at ng ibang mga ahensya ng gobyerno.