Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Singit ka kasi nang singit ’ — Jinggoy, tila bumawi kay Sen. Marcoleta matapos siyang sabihan ng 'safe kana'

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-09 00:06:11 ‘Singit ka kasi nang singit ’ — Jinggoy, tila bumawi kay Sen. Marcoleta matapos siyang sabihan ng 'safe kana'

MANILA — Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Sen. Jinggoy Estrada at Rep. Rodante Marcoleta sa gitna ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa naturang pagdinig, tinanong ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya kung may sangkot bang senador sa ilang umano’y “ghost projects.” Biniro ni Marcoleta si Estrada ng, “safe ka na,” matapos ang pahayag ng mga testigo na walang senador ang kasali.

Hindi naman nagpahuli si Estrada at agad na bumawi ng biro laban kay Marcoleta. “Singit ka kasi nang singit,” ani Estrada, na nagdulot ng halakhakan sa loob ng komite.

Bagama’t may halong biro ang palitan, nananatiling seryoso ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee na layong tukuyin ang mga iregularidad sa halos bilyon-bilyong pisong flood control projects. Patuloy ding lumulutang ang pangalan ng ilang opisyal at contractors na umano’y nakinabang sa mga proyektong hindi natapos o hindi naipatupad.

Nagpahayag ang ilang senador na bagama’t may espasyo para sa magaang palitan sa mga pagdinig, hindi dapat mawala ang pokus sa pangunahing layunin—ang panagutin ang mga tiwaling sangkot sa paggamit ng pondo ng bayan.

Samantala, nakatakdang ipagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang serye ng mga pagdinig sa mga susunod na linggo upang mas lalong masiyasat ang lawak ng kontrobersiya. (Larawan: Jinggoy Estrada / Fb)