Diskurso PH
Translate the website into your language:

Senior Citizen sugatan matapos masagasaan ng motorsiklo malapit sa City College of Angeles

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-13 23:14:08 Senior Citizen sugatan matapos masagasaan ng motorsiklo malapit sa City College of Angeles

Angeles City, Pampanga — Isang matandang babae ang nagtamo ng matinding pinsala matapos masagasaan ng isang motorsiklo sa tapat ng City College of Angeles (CCA) kaninang umaga, Setyembre 12, 2025.

Ayon sa mga naunang ulat, nangyari ang insidente bandang alas-6:00 ng umaga habang patawid  ang biktima  sa kabilang kalsada. Di umano ay isang mabilis na  motorsiklo   at sinubukang mag-overtake sa isang tricycle. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumangga ang motorsiklo sa tumatawid na matanda at kalaunan ay sumalpok pa sa isang kotse.

Agad namang rumesponde ang mga nakasaksi sa aksidente at dinala ang biktima sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center (RLMMC)  ang pinakamalapit na pagamutan. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na update tungkol sa kanyang kondisyon. Hindi rin muna pinapangalanan ang biktima habang inaalam pa ng mga awtoridad ang kanyang kalagayan at pakikipag-ugnayan sa pamilya.

Nagdulot ng pansamantalang abala sa trapiko ang insidente, habang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Angeles City Police Traffic Division ang pangyayari upang alamin ang pananagutan ng drayber ng motorsiklo. Posible umanong kaharapin ng drayber ang kasong reckless imprudence resulting in physical injury.

Samantala, nanawagan ang mga opisyal at residente na maging paalala sana ito sa lahat ng motorista at pedestrian. “Isang iglap lang, may buhay na nasasakripisyo. Ang disiplina sa kalsada ay hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kaligtasan ng iba,” pahayag ng isang opisyal ng barangay na tumulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko matapos ang aksidente.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaang lokal at mga kinauukulan na pairalin ang pagiging responsable at maingat sa kalsada. Sa bawat segundo ng kapabayaan, maaaring mailagay sa peligro ang buhay ng kapwa.

larawan/google