Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ex-PNP Chief Nicolas Torre III, nilinaw na walang balak tumakbo sa 2028 election

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-14 00:01:21 Ex-PNP Chief Nicolas Torre III, nilinaw na walang balak tumakbo sa 2028 election

MANILA — Ipinahayag ng dating PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III na wala siyang plano na sumabak sa pulitika sa darating na eleksyon 2028. Sa isang panayam, diretsahan niyang sinabi na hindi niya nakikita ang sarili sa larangan ng politika at wala rin umano siyang sapat na pondo para sa ganitong laban.

“Pulis ho ako, hindi ako pwedeng… first and foremost kung plans ha, kung plans… unang-una wala akong pera na para sa trabahong ‘yan. Nakupo! Dyusko!” ani Torre, sabay pagtawa.

Giit ng dating heneral, ang kanyang karera ay nakatuon lamang sa serbisyo bilang alagad ng batas at hindi niya pinangarap ang pagpasok sa politika. Dagdag pa niya, bagama’t may mga personalidad mula sa hanay ng kapulisan na matagumpay na nag-transition bilang mga halal na opisyal, hindi ito para sa kanya.

Matatandaang bago ang kanyang pagreretiro, naging laman ng balita si Torre dahil sa ilang kontrobersya, kabilang na ang insidente sa Quezon City Station 4 kung saan naharap sa batikos ang pamunuan dahil sa pagdetine ng isang volunteer teacher. Sa kabila nito, iginiit niya na nanatili siyang tapat sa tungkulin at handa pa ring magsilbi sa publiko sa ibang paraan—ngunit hindi bilang pulitiko.

Sa ngayon, ayon kay Torre, mas nais niyang ituon ang oras sa kanyang pamilya at personal na buhay matapos ang mahabang taon ng serbisyo sa Philippine National Police. (Larawan: Wikipedia / Google)