Diskurso PH
Translate the website into your language:

Marcos, walang sasantuhin maski pa sina Romualdez, Co

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-09-15 15:21:11 Marcos, walang sasantuhin maski pa sina Romualdez, Co

SETYEMBRE 15, 2025 — Hindi ligtas sa imbestigasyon kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects sina House Speaker Martin Romualdez at dating House appropriations chair Zaldy Co, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa gitna ng alegasyon ng “kickback” mula sa mga kontrata, sinabi ni Marcos na walang exemption sa gagawing pagsisiyasat ng Independent Commission for Infrastructure. 

“Well, there’s only one way to do it – they will not be spared,” ani Marcos. 

(May isang paraan lang para gawin ito – hindi sila sasantuhin.)

Nag-ugat ang kontrobersiya sa pahayag ng Discaya couple, mga contractor na nagsabing ginamit umano ang pangalan nina Romualdez at Co para makapanghingi ng pera sa mga proyekto. Gayunman, binawi ni Curlee Discaya ang akusasyon at iginiit na wala silang direktang transaksyon sa dalawa.

Sa panig ni Romualdez, suportado niya ang pahayag ng pangulo. 

“From the very start, I have made it clear: the House will not be a refuge for wrongdoing. Not even its own Members will be shielded if wrongdoing is proven,” aniya. “We will ensure that the process is fair, fact-based, and guided by the rule of law.” 

(Mula pa sa simula, malinaw ang aking paninindigan: hindi magiging taguan ng katiwalian ang Kamara. Kahit ang mga miyembro nito ay hindi poprotektahan kung mapatunayang may sala. Sisiguraduhin naming patas, batay sa ebidensya, at alinsunod sa batas ang proseso.)

Patuloy ang pagbusisi ng komisyon sa mga dokumento at testimonya kaugnay ng flood control funds.

(Larawan: Presidential Communications Office)