Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Personally, nag-enjoy ako noong pinanood ko’ — Barzaga, hindi na-offend sa Bubble Gang skit tungkol sa isyu ng korapsyon

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-29 23:12:39 ‘Personally, nag-enjoy ako noong pinanood ko’ — Barzaga, hindi na-offend sa Bubble Gang skit tungkol sa isyu ng korapsyon

MANILA Nagbigay ng pahayag si Cavite 4th District Congressman Kiko Barzaga kaugnay ng naging kontrobersyal na parody sketch ng GMA Network’s Bubble Gang na tumalakay sa isyu ng korapsyon sa flood control.

Ayon kay Barzaga, hindi dapat masyadong seryosohin o ikainsulto ang naturang palabas dahil bahagi lamang ito ng content at negosyo ng isang media company. Aniya, maging ang pinakamataas na lider kagaya ng Presidente o maging ang Santo Papa ay nagiging paksa rin ng katatawanan sa nasabing programa.

“Wag kayo maoffend sa Bubble Gang, kahit seryosong issue ang korapsyon sa flood control, isang media company rin ang GMA na nagnenegosyo. Kahit nga Presidente o Pope kaya nilang gawing katawáan, content talaga nila yun,” ayon sa mambabatas.

Dagdag pa niya, personal niyang na-enjoy ang panonood ng nasabing episode at hindi niya ito tiningnan bilang insulto. Sa halip, itinuturing niya itong isang paraan ng entertainment na hindi dapat ikagalit ng publiko.

Ang pahayag ni Barzaga ay naglalayong magbigay-linaw sa mga kritiko ng programa, lalo na sa mga nagsasabing hindi dapat gawing biro ang mga seryosong usapin sa bansa. Sa pananaw niya, bahagi ng malayang pamamahayag at malikhaing pagpapahayag ang ginagawa ng Bubble Gang, at tungkulin ng mga manonood na unawain ang konteksto nito. (Kiko Barzaga / Facebook)