Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Kapag nagkamali ang isa sa amin, upakan niyo!’ — Ben Tulfo, naglabas ng pahayag

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-30 00:55:00 ‘Kapag nagkamali ang isa sa amin, upakan niyo!’ — Ben Tulfo, naglabas ng pahayag

MANILA Diretsahang naglabas ng saloobin si veteran broadcaster Ben Tulfo kaugnay ng mga kontrobersiyang muling idinadawit ang apelyidong Tulfo.

“Tulfo ba kamo, hindi kami pare-pareho,” ani Ben, sabay diin na hindi dapat isama ang buong pamilya sa pagkakamali ng isa.

“Kapag nagkamali ang isa sa amin, upakan niyo. Pero ’wag niyo kaming lahatin. Ang kapalpakan ng isa, hindi puwedeng maging kapalpakan ng lahat,” mariin pa niyang pahayag.

Inamin din ni Ben na tila nauubos na ang kanyang pasensya sa samu’t saring isyu na ngayon ay ibinabato sa kanilang pamilya. “Maraming issue sa amin, bwesit na rin ako. Maraming issue ngayon sa apelyido namin,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, muling nilinaw ng beteranong mamamahayag ang kanyang posisyon: “Uulitin ko, kapalpakan at kasalanan ng isa hindi puwedeng lahatin.”

Ang matapang na pahayag ni Ben Tulfo ay agad na umani ng iba’t ibang reaksyon online. May mga netizen na sumang-ayon at nagsabing tama lamang na personal na pananagutan ng bawat isa ang kanilang kasalanan, habang ang iba nama’y iginiit na mahirap ihiwalay ang pangalan lalo na’t malaki ang impluwensya ng pamilya Tulfo sa larangan ng media at politika.

Sa huli, nanindigan si Ben na haharapin niya ang kanyang sariling laban at trabaho, ngunit mananatiling kontra sa “generalization” na ikinakabit sa kanilang apelyido. (Larawan: Facebook)