Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘I think I struck a nerve’ — Pahayag ni Mayor Magalong matapos umanong ‘ma-eased out’ bilang special adviser ng ICI

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-02 23:57:42 ‘I think I struck a nerve’ — Pahayag ni Mayor Magalong matapos umanong ‘ma-eased out’ bilang special adviser ng ICI

MANILA Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay nagbitiw bilang Special Adviser ng Independent Commission on Infrastructure matapos umano siyang “ma-eased out” nang kanyang ipursige ang pagbubunyag laban sa mga nasa likod ng kontrobersiyal na flood control scandal.

Ayon kay Magalong, hindi niya nais na palawigin pa ang usapin, ngunit naniniwala siyang may mga “nasaling” sa kanyang hakbang. “I think I struck a nerve. I don’t like to expound further. Basta I believe I struck a nerve or several nerves (that’s why) they panicked. Kaya ganun ang nangyari,” pahayag ng alkalde.

Bagama’t hindi niya binanggit kung sino o anong sektor ang kanyang tinutukoy, malinaw na ang kanyang mga salita ay nagpapakita ng malalim na tensiyon sa pagitan niya at ng mga makapangyarihang interes na umano’y naapektuhan ng kanyang pagsusumikap na ilantad ang katiwalian.

Ang flood control scandal ay isa sa mga isyung patuloy na nagpapabigat sa usapin ng transparency at pamamahala ng imprastruktura sa bansa. Para kay Magalong, ang pagbibitiw ay hindi simpleng desisyon kundi bunga ng paninindigang itaguyod ang integridad sa gitna ng mga tinaguriang makapangyarihang puwersa.

Sa kabila ng pagkawala niya sa posisyon, nananatiling malinaw ang kanyang panawagan: ang katotohanan ay hindi dapat itago, at ang sinumang sangkot ay dapat managot. (Larawan: Mayor Magalong / Facebook)