Diskurso PH
Translate the website into your language:

ICC ayaw palayain si Duterte kahit umano’y may dementia

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-18 20:32:40 ICC ayaw palayain si Duterte kahit umano’y may dementia

THE HAGUE — Mananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa ideklarang hindi na siya angkop humarap sa paglilitis, ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman.

Sa gitna ng mga pagdinig kaugnay ng kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte, inihayag ni Kaufman na ang kanyang kliyente ay dumaranas ng “cognitive impairment” at hindi na umano maalala ang mga pangyayari, lugar, at maging ang mga miyembro ng kanyang pamilya. “He is unable to remember events, places, and even members of his family,” ani Kaufman.

Dahil dito, ipinag-utos ng ICC ang isang medical examination upang matukoy kung ang dating pangulo ay fit pa para sa paglilitis. Gayunman, tinanggihan ng ICC ang kahilingan ng kampo ni Duterte para sa pansamantalang pagpapalaya habang isinasagawa ang pagsusuri. Sa isang unanimous decision ng tatlong ICC judges, iginiit ng korte na “the continued detention of the former President is needed to ensure his attendance to the hearings”.

Ang confirmation of charges hearing na nakatakda sana noong Setyembre 23 ay ipinagpaliban na rin ng ICC matapos tanggapin ang mosyon ng abogado ni Duterte. Ayon sa pre-trial chamber, “The majority of the chamber hereby decides to vacate the date of 23 September 2025 and to postpone the hearing on the confirmation of charges until further notice”.

Si Duterte ay nahaharap sa tatlong bilang ng murder na itinuturing na crimes against humanity kaugnay ng mga pagkamatay sa ilalim ng kanyang war on drugs noong siya ay alkalde ng Davao City at pangulo ng bansa.