Diskurso PH
Translate the website into your language:

Plane crash sa Tarlac! 19-anyos piloto, 18-anyos pasahero, parehong patay

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-18 20:32:38 Plane crash sa Tarlac! 19-anyos piloto, 18-anyos pasahero, parehong patay

TARLAC — Dalawang katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang ultralight aircraft sa isang palayan sa Barangay Panalicsican, Concepcion, Tarlac bandang alas-11 ng umaga nitong Sabado, Oktubre 18.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima bilang isang 19-anyos na lalaking piloto at isang 18-anyos na babaeng pasahero, kapwa residente ng Pampanga. Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ang eroplano ay umalis mula sa Woodland Airpark sa Magalang, Pampanga at nawalan ng altitude bago bumagsak.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), iniutos ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang agarang pagpapasara sa operasyon ng Woodland Airpark. “Secretary Lopez has ordered the grounding of Woodland Airpark and a full safety and operations audit to assess compliance with aviation safety standards,” pahayag ni CAAP Director General Lt. Gen. Raul Del Rosario (ret.).

Ang mga biktima ay agad na isinugod sa ospital ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente. Ayon sa CAAP, ang mga ultralight aircraft ay hindi saklaw ng certification requirements at karaniwang ginagamit lamang para sa recreational flying.

Larawan mula sa Tarlac Forum