Diskurso PH
Translate the website into your language:

P8.8-B pagkalugi, ibinibintang kay GSIS chief Wick Veloso — panawagan: mag-resign ka na

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-18 09:14:06 P8.8-B pagkalugi, ibinibintang kay GSIS chief Wick Veloso — panawagan: mag-resign ka na

Oktubre 18, 2025 — Nanawagan ng “immediate and irrevocable resignation” kay Pangulo at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa umano’y “poor investment decisions” na nagdulot ng P8.8 bilyong pagkalugi sa pondo ng ahensya.

Sa isang liham na may petsang Oktubre 14, iginiit ng mga opisyal na ang pamumuno ni Veloso ay “puts the welfare of its 2.6 million members… in imminent danger.” Ayon pa sa kanila, ang mga desisyong pinansyal ng GSIS ay “may disturbing lack of transparency” at lumilihis sa mandato ng ahensya na pamahalaan ang pondo “with utmost prudence, diligence, and loyalty.”

Mariing itinanggi ni Veloso ang mga paratang. “I will continue to serve as long as I have the trust and confidence of the President,” aniya. Giit niya, ang mga akusasyon ay “baseless” at bunga lamang ng “personal interests” ng ilang opisyal.

Matatandaang sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Veloso at anim pang opisyal noong Hulyo kaugnay ng umano’y iregular na pagbili ng P1.45 bilyong halaga ng preferred shares mula sa Alternergy Holdings Corp. noong Nobyembre 2023. Ngunit ibinasura ang preventive suspension noong Setyembre 17, kaya’t nakabalik sila sa puwesto.

Sa kabila ng reinstatement, nananatiling mainit ang usapin sa loob ng GSIS. Patuloy ang panawagan ng ilang opisyal na kumilos upang maprotektahan ang pondo ng mga miyembro at maibalik ang tiwala sa pamunuan ng institusyon.