Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lacson comeback! Magbabalik bilang lider ng Senate corruption probe

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-22 08:56:19 Lacson comeback! Magbabalik bilang lider ng Senate corruption probe

MANILA — Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na si Senator Panfilo “Ping” Lacson ay muling uupo bilang chairman ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee, ilang linggo matapos siyang magbitiw sa posisyon dahil sa kontrobersyal na imbestigasyon sa mga flood control projects.

“Long story. In the course of our many conversations, it has come to his attention [regarding the] clamor of some of our colleagues and the public that he retake the [committee],” pahayag ni Sotto sa mga mamamahayag noong Oktubre 21.

Matatandaang nagbitiw si Lacson noong Oktubre 6, 2025, matapos umanong ipahayag ng ilang senador ang kanilang pagkadismaya sa direksyon ng imbestigasyon sa mga ghost at substandard flood control projects. “Since all chairpersons of the Senate committees are elected by our peers, I serve at the pleasure of my colleagues,” ani Lacson sa kanyang resignation statement.

Sa kanyang pagbabalik, inaasahang ipagpapatuloy ni Lacson ang masinsinang pagbusisi sa mga anomalya sa flood control funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan ilang opisyal ang nasangkot sa mga alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, “There are no takers,” kaya’t si Lacson ang muling itatalaga sa posisyon sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Nobyembre 10.

Ang Senate Blue Ribbon Committee ay may mandato na imbestigahan ang mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan. Sa pamumuno ni Lacson, inaasahang magiging mas agresibo ang mga pagdinig, lalo na sa mga isyung may mataas na interes ng publiko.

Larawan mula: Biography Profiles