Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lacson balik-aksiyon sa Blue Ribbon; bagong testigo haharap sa Senado

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-25 17:10:41 Lacson balik-aksiyon sa Blue Ribbon; bagong testigo haharap sa Senado

MANILA — Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na muling ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects sa darating na Nobyembre 14, 2025 — kung siya ay muling maihahalal bilang chairman ng komite sa Nobyembre 10.

“If elected again as Blue Ribbon chairman on Nov. 10, our hearing will resume on Nov. 14. To help speed up the filing of airtight cases against some politicians, DPWH officials and errant contractors, we will invite among others, a ‘very important witness’ and retired T/Sgt Orly Guteza to shed more light on his 'sinumpaang salaysay',” ani Lacson sa isang post sa X (dating Twitter).

Si Guteza ay dating testigong iniharap sa mga naunang pagdinig ng Senado kaugnay ng umano’y ghost projects at overpricing sa flood control programs ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Inaasahan ng komite na ang kanyang testimonya ay makatutulong sa pagbuo ng matibay na kaso laban sa mga sangkot na opisyal at contractor.

Matatandaang pansamantalang bumaba si Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee noong Oktubre 7 matapos ang ilang puna mula sa kapwa senador tungkol sa direksyon ng imbestigasyon. Gayunpaman, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, napagkasunduan sa mga pag-uusap na ibalik si Lacson sa posisyon sa pagbabalik ng sesyon ng Senado.

Ang pagdinig sa Nobyembre 14 ay inaasahang magbibigay-linaw sa mga alegasyon ng korapsyon sa multi-bilyong pisong flood control projects sa La Union, Davao Occidental, at Bulacan.