Grab inilunsad ang ‘Buhay Asenso’ loans para sa drivers at riders
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-11-17 08:18:12
MANILA — Inilunsad ng Grab Philippines ang “Buhay Asenso Cash Loan” program para sa kanilang mga driver, rider, at delivery partners, bilang bahagi ng layunin nitong palakasin ang financial resilience ng mga manggagawa sa gig economy.
Ang programa ay opisyal na ipinakilala sa “Health & Wheelness 2025” event na dinaluhan ng mahigit 4,000 Grab at MOVE IT partners. Ayon sa Grab, layunin ng cash loan program na magbigay ng mabilis na access sa pondo para sa mga kagyat na pangangailangan tulad ng gastusing medikal, matrikula, o maliit na negosyo.
Sa pahayag ni CJ Lacsican, Grab Philippines VP for Cities at Grab Financial Group Country Head, sinabi niya, "Accessible financing is central to a thriving gig economy. Gig workers deserve reliable lifelines for urgent needs and long-term goals… When financing is within reach and responsibly delivered, partners become more financially resilient and are empowered to invest in their future."
Kabilang sa mga tampok ng programa ang mobile-first application process sa loob mismo ng Grab at MOVE IT driver apps, buwanang rotating perks gaya ng vehicle maintenance discounts at basic health consultations, pati na rin ang mga financial literacy sessions at one-on-one loan consultations.
Ang Buhay Asenso Cash Loan ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng Grab upang tugunan ang pisikal, mental, at pinansyal na pangangailangan ng kanilang komunidad. Inaasahan nitong makatulong sa mas maraming partner na makabangon mula sa mga hamon ng araw-araw na pamumuhay.
Larawan mula Grab
