Diskurso PH
Translate the website into your language:

Laguna Ex-Gov. Hernandez, nagpahayag ng ‘panahon na para wakasan ang baha’ ngunit ilan umano sa mga proyekto nito ang dahilan ng pagbaha?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-27 22:35:18 Laguna Ex-Gov. Hernandez, nagpahayag ng ‘panahon na para wakasan ang baha’ ngunit ilan umano sa mga proyekto nito ang dahilan ng pagbaha?

LAGUNA, Philippines Taliwas sa panawagan ni dating Laguna Governor Ramil Hernandez na “panahon na para wakasan ang baha,” marami ngayon ang nagsasabing ang ilang proyektong inaprubahan sa ilalim ng kaniyang administrasyon ang nagdulot ng malawakang pagbaha sa lalawigan.

Batay sa mga dokumentong inilabas ng environmental advocates, ipinakita na umabot sa 3,772 puno sa bahagi ng Sierra Madre ang pinutol upang bigyang-daan ang kontrobersyal na Ahunan Dam Project sa Pakil, Laguna. Ang nasabing proyekto ay isang pumped-storage hydropower facility na pag-aari ng kumpanya ni ultra-bilyonaryong Enrique Razon.

Bukod dito, kabilang din umano sa mga nakaapekto sa natural na daloy ng tubig at watershed ng Laguna ang windmill projects sa Paete at Kalayaan, gayundin ang mahigit ₱1.7-bilyong flood control projects na sinasabing substandard sa Ikalawang Distrito.

Isang nakatawag-pansing detalye sa usapin ang umano’y papel ng dating Pakil Mayor Vince Soriano, bayaw ni Hernandez, na sinasabing nag-lobby upang itulak ang Ahunan Dam Project.

Habang patuloy ang pagbaha na nagiging banta sa kabuhayan at kaligtasan ng mga residente, umaapela ang mga taga-Laguna para sa masusing imbestigasyon at pagsusuri sa mga proyekto na maaaring nakaapekto sa kanilang kapaligiran at kabuhayan. (Larawan: Ramil Hernandez / Facebook)