Diskurso PH
Translate the website into your language:

PBBM, nanawagan ng truth, humility, compassion ngayong Feast of the Immaculate Conception the Blessed Virgin Mary

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-12-08 08:41:52 PBBM, nanawagan ng truth, humility, compassion ngayong Feast of the Immaculate Conception the Blessed Virgin Mary

MANILA — Sa pagdiriwang ng Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary, nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na isabuhay ang katotohanan, kababaang-loob, at malasakit bilang gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa kanyang mensahe mula sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo, “The Immaculate Conception reminds us that the way we begin matters. Our intentions shape our outcomes, and the spirit in which we start a mission influences the fruit it bears. If we sow pride, we reap division; if we sow deceit, we reap distrust. But if we begin with truth, humility, and compassion for the least among us, we can build a more just and peaceful Bagong Pilipinas: a nation where integrity, service, and the common good guide our every action.”

Idinagdag ni Marcos na ang buhay ni Maria ay nagsimula sa “kabuuang pabor ng Diyos” at ang kanyang “yes” ay nagpapakita ng ganap na pagtatalaga sa kalooban ng Maykapal. “On this sacred day, we turn our gaze to Mary, whose life began entirely in God’s favor and whose example shows us what it means to belong to God wholeheartedly,” aniya.

Ang Disyembre 8 ay idineklara bilang special non-working holiday upang bigyang-daan ang mga Pilipino na makiisa sa paggunita ng kapistahan. Sa kanyang panawagan, binigyang-diin ng Pangulo na ang pagdiriwang ay hindi lamang relihiyosong okasyon kundi paalala ng mga halagang dapat isabuhay sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas.

Sa mga naunang pahayag, binigyang-diin din ni Marcos na ang pananampalataya ay nagbibigay ng “sense of community and belonging” na mahalaga sa espiritwal, mental, at emosyonal na kalusugan ng mga Pilipino.

Ang mensahe ng Pangulo ngayong kapistahan ay nakikita bilang pagpapatibay ng kanyang panawagan sa integridad, malasakit, at kababaang-loob bilang pundasyon ng pamahalaan at lipunan.