Balochistan Biglang Humiling ng Suporta sa Mundo para sa Kalayaan mula sa Pakistan!
Ipinost noong 2025-05-15 15:28:39
Maynila, Pilipinas- Idineklara ng mga lider ng Balochistan ang kalayaan nila mula sa Pakistan, na nag-anunsyo ng pagtatatag ng "Demokratikong Republika ng Balochistan." Pinangunahan ni Mir Yar Baloch, isang kilalang aktibista at manunulat, ang proklamasyon, na sinundan ng panawagan sa India at sa pandaigdigang komunidad para sa diplomatikong pagkilala at suporta. Nag-makaawa din siya na mag-padala ang United Nations ng Peacekeeping forces. Hiniling din niya na umalis ang Pakistan military na nasa Balochistan ngayon.
Bukod doon, hiniling din ni Baloch sa India na kilalanin ang bagong republika at payagan ang pagbubukas ng embahada ng Balochistan sa New Delhi. Binatikos niya ang Pakistan sa mga umano'y krimen laban sa sangkatauhan, kabilang ang enforced disappearances at sistematikong panunupil. May mga politiko ng Indian leaders na sumang-ayon at tumugon
Halimbawa, si Subramanian Swamy, dating ministro ay nag-sabi sa X na “Time for India to recognise Balochistan as a nation and plead for its UN membership,”.
Isa sa mga hiling ay magtatag ng talong kapitolyo. Ang Quetta ang magiging kapitolyo ng gobyerno ng Balochistan. Ang Gwadar ay ang pangunahing commercial hub or kapitolyo pang-negosyo. Ang Hinglaj Mata Mandir nman ay ang magiging kapitolyo sa mga usapan relihiyon.
Kasabay ng deklarasyon, inilunsad ng Baloch Liberation Army (BLA) ang "Operation Herof 2.0," na nagsagawa ng 78 koordinadong pag-atake sa 58 lokasyon sa Balochistan, karamihan ay laban sa mga pasilidad ng militar at seguridad ng Pakistan.