Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pasaherong transgender, sinipa ang matandang babae sa Taiwan MRT dahil sa priority seat

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-02 22:09:24 Pasaherong transgender, sinipa ang matandang babae sa Taiwan MRT dahil sa priority seat

Taiwan — Viral ngayon sa social media ang insidente sa Taipei MRT matapos makuhanan ng CCTV ang sagupaan sa pagitan ng isang transgender na pasahero at isang matandang babae kaugnay ng paggamit ng priority seat.


Ayon sa imbestigasyon, nagalit ang 73-anyos na pasahero matapos makita ang transgender na indibidwal na nakaupo sa upuang nakalaan para sa mga nakatatanda, buntis, at Persons with Disability (PWD). Sa galit, ilang ulit umanong hinampas ng matanda ang bag ng pasahero.


Sa gitna ng tensiyon, tumayo ang transgender na pasahero at sinipa ang matanda, dahilan upang matumba ito sa kabilang bahagi ng tren. Agad itong nagdulot ng komosyon sa loob ng MRT at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga kapwa pasahero.


Matapos ang insidente, sinabi ng matanda na tatawag siya ng pulis, ngunit sumagot umano ang transgender na pasahero na maaari niya itong subukan muli. Kinalaunan, dumating ang mga awtoridad at inaalalayan palabas ng istasyon ang matandang babae.


Sa pahayag ng Taipei Metro authorities, kanila nang sinusuri ang CCTV footage upang matukoy ang pagkakakilanlan ng parehong sangkot. Posible rin silang papanagutin sa ilalim ng Taiwan’s Social Order Maintenance Act, kung saan maaaring pagmulta ng hanggang NT$18,000 o katumbas ng halos ₱30,000.


Samantala, hati ang naging reaksyon ng publiko. May ilan na kumondena sa naging marahas na tugon ng transgender na pasahero, habang ang iba naman ay nagsabing hindi dapat gumamit ng dahas ang sinuman kahit pa may tensiyon sa priority seat.


Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa insidente.