Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tabingi daw? Bagong ilong ni Sanya Lopez pinagpyestahan ng netizens

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-08-07 08:52:47 Tabingi daw? Bagong ilong ni Sanya Lopez pinagpyestahan ng netizens

MAYNILA — Usap-usapan sa social media ang bagong anyo ng ilong ni Kapuso actress Sanya Lopez matapos mag-viral ang kanyang larawan sa Instagram. Maraming netizens ang nagkomento sa umano’y pagbabago sa hugis ng kanyang ilong, na naging sentro ng intriga at espekulasyon tungkol sa posibleng cosmetic enhancement.

Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang obserbasyon: “Nag-iba ilong niya,” “Parang nagpaayos ulit siya ng nose,” at “Yung butas ng ilong hindi pantay.” Bagamat may mga puna, may ilan ding nagsabing “Maganda pa rin naman” at “Her recent photo looks different na sa IG”.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Sanya Lopez kaugnay ng isyu. Sa mga naunang panayam, nilinaw ng aktres na hindi pa siya sumasailalim sa cosmetic surgery, maliban sa dental enhancement. 

Aniya, “Wala raw naman siyang nakikitang masama sa pagpapa-salamat doktor lalo na kung afford daw naman ito ng isang tao as long na wala itong tinatapakang ibang tao. Dagdag pa niya, kung makakaganda ba o makakagaan ng pakiramdam sa isang tao ang magpa-enhance, G raw siya rito”.

Samantala, isang YouTube video mula sa SCPH channel ang nagbigay pansin sa isyu, kung saan ikinumpara pa ang ilong ni Sanya sa ibang artista. Sa pamagat ng video, nakasaad: “Parang Ilong ni MARIAN!? Tabingi raw pagkagawa ng Ilong ni Sanya Lopez sey ng netizens!”

Bagamat walang kumpirmasyon mula sa kampo ng aktres, nananatiling mainit ang diskusyon online. Sa kabila ng mga espekulasyon, patuloy pa rin ang suporta ng kanyang mga tagahanga sa kanyang karera at personal na desisyon.