Barretto family in mourning after death of eldest sibling Mito
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-09-23 21:54:01
Setyembre 23, 2025 – Nagluluksa ang pamilya Barretto matapos pumanaw si Mito Barretto, ang panganay na anak nina Miguel at Inday Barretto.
Si Mito ang pinakamatanda sa pitong magkakapatid na sina Mitch, Joaquin o Jay-Jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine. Matapos ang pagkamatay ng kanilang ama, si Mito ang tumayong haligi ng pamilya.
Sa Instagram, naglabas ng emosyonal na mensahe si Marjorie Barretto, na nagsabing, “The hardest caption I’ll ever write… My eldest brother, Mito, passed away so suddenly. So full of life. No warning, we are not prepared for this.”
Ibinahagi rin ni Claudine Barretto ang kanyang pagdadalamhati, at sinabing mabuti na lamang at nagkaayos sila bago bawian ng buhay ang kanyang kuya. Aniya, “I can’t believe you left us this soon… I didn’t know that was already Goodbye.”
Nagpaabot din ng tribute si Dani Barretto, anak ni Marjorie, at nagpasalamat sa tiyuhin sa pagiging “rock” ng pamilya matapos mamatay ang kanilang kapatid na si Pikey. Nangako rin siyang aalagaan ang pamilya ni Mito.
Nag-post din si Leon Barretto ng larawan kasama si Mito sa Instagram Story na may kasamang praying hands at dove emojis bilang simpleng pagpupugay.
Wala pang inilalabas na detalye tungkol sa burol ni Mito, ngunit hiniling ni Marjorie sa mga kaibigan at nakasama nito na makipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon.
Larawan: Claudine/Dani Barretto Instagram