Diskurso PH
Translate the website into your language:

Mr. Cel Palaganas, wagi sa ‘Cebu Photowalk Contest 2025’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-24 01:07:55 Mr. Cel Palaganas, wagi sa ‘Cebu Photowalk Contest 2025’

CEBU Binati si Mr. Cel Palaganas matapos siyang hirangin bilang Grand Winner ng Cebu Photowalk Contest 2025 na may temang “Geometry in the City: Patterns, Perspectives, and Stories.”

Ang kanyang larawang pinamagatang “Framed in Motion” ang pumukaw sa mga hurado at kapwa kalahok. Sa kanyang kuha, ipinakita kung paanong ang mga bilog at linya ay hindi lamang bahagi ng arkitektura ng lungsod kundi nagsisilbing balangkas ng araw-araw na kilos ng tao. Ang bawat anino at galaw ay tila kwento ng buhay na nahuhuli sa pagitan ng mga hugis at istruktura.

Ayon sa mga organizers, ang obra ni Palaganas ay tumatak dahil sa malikhain at makabagong paggamit ng perspektibo, na nagpaalala kung paano nagtatagpo ang sining, siyudad, at karaniwang tao sa isang frame.

Ang pagkapanalo ni Palaganas ay hindi lamang tagumpay ng isang litratista, kundi patunay din ng malikhain at masining na mata ng mga Cebuano sa pagkwento gamit ang larawan. (Larawan: Henry’s Camera Ph)