Diskurso PH
Translate the website into your language:

Shookt ang Swifties! Taylor Swift, naglabas na ng 12th album

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-08-13 19:19:07 Shookt ang Swifties! Taylor Swift, naglabas na ng 12th album

AGOSTO 13, 2025 — Big news, Swifties! Si Taylor Swift ay may bagong surprise para sa lahat — official na ang kanyang 12th studio album na pinamagatang The Life of a Showgirl! Inanunsyo ito mismo ni Taylor sa podcast nina Travis at Jason Kelce na New Heights, kung saan ipinakita niya ang mint green vinyl record na may initials niyang "T.S."

“This is my brand-new album, The Life of a Showgirl,” sabi niya sa clip na pinost sa Instagram, alas-12:12 ng madaling araw (ET) — isang malinaw na easter egg para sa kanyang 12th album.

Blurred pa ang cover art, pero open na ang pre-order sa kanyang website para sa vinyl, CD, at cassette. May lock symbol din sa preview, kaya siguradong may malaking reveal pa na naghihintay!

Wala pang official release date, pero ang mga pre-orders ay scheduled na i-ship by October 13. Abangan din ang tracklist, pero may malaking clue na ibinahagi si Taylor: isang Spotify playlist na may 22 songs, lahat produced nina Max Martin at Shellback — ang legendary duo na kasama niya sa Red, *1989*, at Reputation. Baka sila ulit ang mag-collab sa bagong album!

Hindi rin nagpahuli ang mga fans sa pagdiriwang — nag-orange ang Empire State Building, at kapag sinearch si Taylor sa Google, may orange confetti at flaming heart na lalabas kasabay ng caption: "And baby, that’s show business for you." 

Dali, subukan mo!

Dagdag pa rito, viral din ang post ng Taylor Nation (ang official team ni Swift) na may 12 orange photos ni Taylor, kasabay ng caption: "Thinking about when she said ‘See you next era…’" — isang malinaw na teaser para sa bagong chapter ng career niya.

Ito ang unang original album ni Taylor matapos niyang makuha ang rights sa kanyang first six albums. Noong 2019, nabenta kasi ang kanyang masters kay Scooter Braun nang wala sa kanyang kagustuhan, kaya simula noon, inire-record niya ang mga lumang albums niya. Pero sa halip na maglabas ng Taylor’s Version ng Debut at Reputation next, bago muna ang kanyang original music!

"To say this is my greatest dream come true is actually being pretty reserved about it," sulat niya noon sa fans. "All I’ve ever wanted was the opportunity to work hard enough to be able to one day purchase my music outright with no strings attached, no partnership, with full autonomy."

Ready na ba kayo sa bagong era ni Taylor? Abangan ang mga susunod na updates — at siguradong marami pang surprises ang paparating!

(Larawan: @taylorswift | Instagram)