Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tuesday Vargas, nang-irap at nagtaray umano sa Hong Kong?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-06 00:23:24 Tuesday Vargas, nang-irap at nagtaray umano sa Hong Kong?

MANILA Naglabas ng matapang ngunit emosyonal na pahayag ang aktres at komedyanteng Tuesday Vargas matapos siyang akusahan ng isang netizen na nang-irap at nagtaray sa isang tagahanga habang nasa Hong Kong.

Noong Sabado, Oktubre 4, kumalat sa social media ang screenshot ng isang Reddit post kung saan inilarawan si Tuesday bilang “rude” at “total b*tch” nang hindi umano ito nakipag-cooperate sa fan na gustong magpa-picture. Ayon sa kwento ng netizen, sinagot pa raw ni Tuesday ng sarkastikong “Kaya nga ako andito para mag-relax.”

Agad namang nagbigay ng paliwanag si Tuesday sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, kung saan iginiit niyang wala siyang naalalang pagkakataon na naging bastos siya sa sinuman.

“Bakit po may mga ganitong tao sa mundo? Lahat po ng nag-ask nicely sa akin ay pinagbigyan ko po magpa-picture. Nakakalungkot po na may ganitong mapaggawa ng kwento,” ani ng aktres.

Dagdag pa niya, maaring hindi niya napansin ang nasabing fan dahil sa dami ng tao at init ng panahon noon.

“Kung nalampasan ko po kayo, pasensya na. Wala po akong maalalang inirapan o tinarayan ko ang kahit sinong maayos na lumapit sa akin.”

Bilang patunay, nag-post pa si Tuesday ng video kung saan makikitang game na game siyang nagpapa-picture sa mga lumalapit na fans kahit pa may dala siyang maleta. Aniya,

“Kung maayos na nagsabi at hindi demanding, bakit naman hindi ko pagbibigyan? Sana alam ko kung sino ka para mapag-usapan natin nang harapan.”

Tinapos niya ang post sa isang mapayapang mensahe, na bagama’t nasaktan siya, patuloy pa rin siyang magiging mabait sa mga taong marunong rumespeto.

“Sinusubukan kong maging mabuting tao parati, pero nakakalungkot na kapwa Pilipino pa ang yumuyurak sa pagkatao ko.”

Sa kabila ng isyu, marami ang nagpaabot ng suporta kay Tuesday, na kilala hindi lang sa kanyang talento sa komedya kundi sa kababaang-loob niya sa kanyang mga tagahanga. (Larawan: Tuesday Vargas / Facebook)