Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ellen Adarna at Derek Ramsay, ilang buwan na umanong hiwalay ng bahay?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-06 23:07:09 Ellen Adarna at Derek Ramsay, ilang buwan na umanong hiwalay ng bahay?

MANILA Ilang buwan na palang magkaiba ng tinitirhan sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, ayon sa mga source na malapit sa mag-asawa.

Ayon sa ulat, bandang Agosto pa nagsimula ang kanilang pansamantalang paghihiwalay, at isa sa mga dahilan umano ay ang matinding postpartum depression na nararanasan ni Ellen.

Kinumpirma ng taong malapit sa kanila na “hindi sila legal na hiwalay, pero magkaiba lang ng bahay na inuuwian.” Dagdag pa, nananatiling bukas ang dalawa sa pagsasaayos ng kanilang relasyon.

Samantala, itinanggi ng parehong kampo ang isyung ibinebenta ni Derek ang kanyang bahay at mga sasakyan, at nilinaw na matagal na itong kasali sa buy-and-sell business ng mga sasakyan.

Sa ngayon, patuloy pa rin umanong hinahanap nina Derek at Ellen ang paraan upang mailigtas ang kanilang pagsasama, habang parehong nakatutok sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Lily. (Larawan: Ellen Adarna, Derek Ramsay / Facebook, Instagram)