Diskurso PH
Translate the website into your language:

Viral: Netizen na nalito sa pa-ayuda ni Kim Chiu sa Cebu, pinag-usapan sa internet

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-06 00:14:36 Viral: Netizen na nalito sa pa-ayuda ni Kim Chiu sa Cebu, pinag-usapan sa internet

MANILA Naging usap-usapan sa social media ang isang netizen na tila nalito sa paayuda ni Kim Chiu matapos nitong magpadala ng tulong sa mga biktima ng malakas na lindol sa Cebu.

Nag-viral ang screenshot ng komento ng nasabing netizen na nagtanong kung “dalawa ba o sampo” ang truck na ginamit ni Kim sa pagpapadala ng construction materials. Ayon sa ulat, dalawang 10-wheeler trucks ang ipinadala ni Kim bilang bahagi ng kanyang relief efforts. Ngunit dahil sa maling pagkakaintindi, inakala ng netizen na sampung truck ang tinutukoy, base sa salitang “10-wheeler.”

Agad naman siyang sinabihan ng mga kapwa netizens na ang ibig sabihin ng “10-wheeler” ay bilang ng gulong at hindi dami ng truck. Gayunman, tila hindi pa rin niya agad naunawaan ang paliwanag at muling nagtanong kung “dalawampu” na raw ba ang truck.

Dito na nagsimula ang katatawanan sa comment section. Maraming netizens ang nagbiro na,

“20 gulong ate, char!”
Habang ang iba naman ay nagpatutsada,
“Reading comprehension is real, besh!”

Sa kabila ng kasiyahang dulot ng viral thread, marami ring netizens ang nagpahayag ng papuri kay Kim Chiu dahil sa kanyang malasakit sa mga kababayang Cebuanong nasalanta ng lindol.

Matatandaan na noong Setyembre 30, niyanig ng magnitude 6.9 earthquake ang Cebu, na nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan at gusali. Agad na nagbigay ng tulong si Kim sa pamamagitan ng paghatid ng construction materials at relief goods gamit ang dalawang truck.

Bagaman tahimik si Kim tungkol sa viral issue, marami ang humanga sa kanyang kababaang-loob at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng sakuna. (Larawan: Kim Chiu / Facebook)