Diskurso PH
Translate the website into your language:

Cristy Fermin, pinuri ang naging reaksyon ni Bea Alonzo sa biro ni Vice Ganda na may kinalaman sa kanila

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-14 02:32:59 Cristy Fermin, pinuri ang naging reaksyon ni Bea Alonzo sa biro ni Vice Ganda na may kinalaman sa kanila

MANILA — Hindi lamang mga tagahanga ang humanga kay Bea Alonzo sa kanyang mahinahong paghawak sa biro ni Vice Ganda sa Super Divas concert, kundi pati na rin ang beteranang showbiz insider na si Cristy Fermin — isang personalidad na minsang nakaengkwentro ng aktres sa legal na usapin.

Sa nasabing concert na pinagsamahan nina Vice at Regine Velasquez, nagkaroon ng skit kasama ang mga komedyanteng sina MC Muah at Lassy. Biniro ni Vice ang dalawa na tila tumutukoy sa mga nakaraang isyu, bago nito biglang tinawag si Bea mula sa audience kung saan kasama nito ang kasintahan na si Vincent Co. Aniya, “Bea, you handle it! Sagot tayo ni Ate Bea, siya nang bahala, magdadasal lang tayo,” na nagdulot ng tawanan sa buong crowd.

Ang eksenang ito ay agad nag-viral at naging usap-usapan sa social media, lalo na’t kilala ang kasaysayan ng tensyon sa pagitan nina Bea at Cristy. Sa kanyang programang Cristy Ferminute, sinabi ni Cristy: “Alam mo, pupurihin ko si Bea Alonzo, ha. Kasi ang ginawa niya parang umiiwas siya. Kinaswal niya. Ganu’n ang taong nag-iisip. Hindi nagpapagamit.”

Nakakagulat para sa ilan ang papuring ito, dahil noong nakaraan ay nagsampa si Bea ng cyber libel complaints laban kina Cristy, Romel Chika, at Wendell Ramos, na humantong sa paglabas ng warrant of arrest. Agad na nagpyansa si Cristy at ipinagpatuloy ang kanyang programa.

Para kay Cristy, ipinakita ni Bea ang grace under pressure at tamang paghawak sa mga sitwasyong madaling gawing kontrobersya. Samantala, si Vice Ganda ay patuloy na nasa gitna ng kritisismo mula sa ilang Diehard Duterte Supporters (DDS) dahil sa kanyang “Jetski Holiday” joke laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at kamakailan ay inalmahan din ng aktres na si Sabrina M ang biro ng komedyante tungkol sa kanyang madilim na nakaraan. (Larawan: Google )