‘Cheater na ang ama, tapos cheater pa ang jowa’ — Kaila Estrada, binash ng netizens
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-19 19:24:13.jpg)
MANILA — Nag-uumapaw ang reaksyon ng mga netizens matapos ang ibinunyag ng isang reporter hinggil sa umano’y relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada.
Ayon sa mga komento online, marami ang nag-aalala para kay Kaila, dahil kilalang matinik sa babae si Daniel. Hindi rin nakaligtas ang pangalan ng dating nobya ni Daniel na si Kathryn Bernardo, na ilang ulit nang nabalitang nagtitiis sa pambababae ng aktor sa kanilang mahigit isang dekadang relasyon.
Kasama sa mga pangalan na naiuugnay noon kay Daniel ang kapwa aktres na si Andrea Brillantes, na naging sentro rin ng mga kontrobersiya.
“‘Yung cheater na ang ama, tapos cheater pa ang jowa. Kawawa naman si Kaila kung totoo,” ani ng isang netizen.
Habang wala pang kumpirmasyon mula kina Daniel at Kaila, tuloy-tuloy ang usap-usapan sa social media, lalo na’t kilala si Kaila bilang lowkey at pribadong aktres. May ilan namang tagahanga na umaasang hindi totoo ang mga balita at nananawagan na iwasan muna ang panghuhusga hangga’t walang malinaw na pahayag mula sa mga sangkot.
Samantala, nananatiling trending ang isyu, at hatid nito ay panibagong intriga sa mundo ng showbiz na dati nang nasangkot sa mga kontrobersyal na love triangle at hiwalayan. (Larawan: Kaila Estrada / Instagram)