Janella Salvador, umalma matapos makatanggap ng bashing sa LGBTQIA+ community
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-19 19:09:26.jpg)
MANILA — Nagpahayag ng pagkadismaya ang aktres na si Janella Salvador sa kanyang post sa X (dating Twitter) matapos makabasa ng mga komento online na aniya’y nagmula pa mismo sa ilang miyembro ng LGBTQIA+ community. Ayon sa aktres, ilan sa mga “pinaka-discriminatory at homophobic” — maging lesbophobic — na pahayag ay nagmumula rin umano sa loob ng nasabing komunidad.
Binigyang-diin ni Salvador na normal lamang ang pagkakaroon ng opinyon at paminsang kritisismo, ngunit hindi dapat kasama rito ang personal na paninira tungkol sa preference, itsura, at paraan ng pagpapahayag ng sarili.
Kaugnay nito, pinuna rin ng aktres ang ilan na nakikitawa o nagtutulak ng mga colorist at misogynistic na biro, na kanyang tinawag na “regressive” o paurong.
Narito ang buong pahayag ni Salvador:
“It’s bothersome how sometimes those who are part of the LGBTQIA+ community are the ones who come up with the most homophobic (lesbophobic, even) comments. Criticism and opinions can be thrown without making unnecessary remarks about personal preference, appearance and how people choose to comfortably present themselves. Not to mention those of you who laugh along with the colorist and misogynistic comments. Backwards much?”
Si Janella Salvador ay matagal nang napapabalitang may romantikong ugnayan kay Klea Pineda, na isa ring kilalang aktres at proud member ng LGBTQIA+ community.
Umani ng halo-halong reaksyon ang pahayag ni Salvador — may mga sumang-ayon sa kanyang paninindigan laban sa diskriminasyon, habang ang ilan naman ay nagpahayag na dapat ding buksan ng aktres ang sarili sa mas malalim na diskurso hinggil sa mga isyung panlipunan. (Larawan: Janella Salvador / X, Instagram)